Visita Iglesia sa Bulacan —where Faith & History intertwine :)

17759969_1424531294234465_6870857240082526558_n

Naging kakaiba ang Holy Week ko ngayong taon. Oo, kaiba sa last year. Though, ibang experience rin yun last year. Hahaha!!! Pero yun ngayong taon, exciting at new experience rin—nakarating ako sa iba’t-ibang probinsya ng Bulacan. (yey!) —-at syempre dahil yan kay bff/bes/dre/baby boy/dumblydory Martin Bryan!

Ang galing ng kanyang GQ (Geographical Quotient) as in bongga! Pero at some times, katulong nya si Ate Waze. 🙂

Yun mga napuntahan namin sadya talagang ikinatuwa ko ng bongga—di ko nga lang masyado pinahalata sa kanya (char!) kasi naman, kahit na ano may kinalaman sa History ay talagang naaappreciate ko ng bongga-bongga to the highest level.

We’ve been to churches na built since Hispanic Period. Mababakas sa architecture ng mga Simbahan yun pagiging old ng structures. Most of the churches we’ve been through ay Baroque Style.

Eto yun mga Simbahan na napuntahan namin: Oooppps take note! Habang nasa byahe kami at bago kami magpunta sa 1st Church pinarinig nya yun Bulacan Tourism Jingle na feeling ko ay nakabiado na nya. Hahaha!!! Kaya nilagyan ko ng caption yun place mula sa jingle video. 🙂 —wala katuwa lang. Lakas kasi maka LSS 🙂

St. Francis of Asissi – Meycauayan (makinang na alahas)

St. Michael Archangel- Marilao (Dambana ng Kaluwalhatian)

St. Martin Tours – Bocaue (Pagodang lutang-lutang)

St. James the Apostle- Plaridel (Kabayong nag-uunahan)

San Isidro Labrador-Pulilan (lumuluhod na kalabaw)

St. Agustin Church- Baliuag (habian ng sambalilong buntal)

Sto. Nino Parish Church- Bustos (minasa ng kaunlaran)

Feeling ko hindi lang kami nag-Visita nung araw na yun. Hindi lamang pananampalataya ang napagyaman namin nung araw na yun kundi nabisita rin namin ang bakas ng mayamang kasaysayan nating mga Pilipino na mababakas sa mga Church structures. As well as yung markets, at yun plaza! Oo naalala ko yun sa Baliuag, buhay na buhay ang plaza sa kanila. May naaabutan pa kami dun na nag Senakulo. Ang galing!

Grabe talaga ang experience superb! May singing session pa sa sasakyan—syempre praise & worship songs! Ang galing nga eh. Narecord ko kaya yun iba—di nya alam.

Tapos yun dinaanan namin na shortway to NLEX, grabe rin yun katakot. Pero dahil nag VISITA kami at feel blessed, thank GOD maayos ang byahe.

Sobra natuwa talaga ako sa araw na ito (April 13, 2017) kasi talaga naman naaappreciate ko ng bongga-bongga yun lakad namin. Tapos hindi namin kailangan magmadali sa bawat lugar. Kudos kay bff!!!

Ang sarap nya kasama—siguro kasi di rin ako nahihiya sa kanya (though minsan) at mukhang di rin naman sya nahihiya sa akin…in short komportable sya kasama, di nakakailang. Paano ko nasabi? nakakatawa ako sa kanya ng bongga-bongga yun hindi ko kailangan magpigil. Pwede ko sabihin sa kanya kahit na anong bagay (ganun din naman sya) ngayon lang din kami naging close nitong batang ‘to hahaha!!!! Game sya lagi—at marami ako natutunan sa kanya as in! Marami kami napag-uusapan anything,everything,underneath,behind the sun! hahaha!!!!!

Minsan isip bata—pero minsan ako rin. Madali rin magtampo. hahaha!!!!

Pinagdasal ko kaya sya—-na nawa lagi syang pagpalain at patnubayan ni Bro Jesus. Ang bait nya kasi—sobra. Mayabang lang minsan (pero feeling ko defense mechanism nya lang yun hahaha!!!) Joke lang ha! Isa sya sa mga kaibigan ko na for keeps! Yun talagang dapat i-treasure. Kapag kasama mo sya, you feel secure—chivalry is not dead ika nga, pag sya ang kasama mo 🙂 Sana mahanap na rin nya yun forever nya (pwede ba mag-aplay??? hahaha joke!) kasi naman—yun looks nya—-yun yung mga weakness ko eh. Hindi lang din yun looks pati yun personality nya—shems! HAHAHAHAHAHA!!!!! Kidding aside, pinagpray ko yun na makita mo at sana mabait at mamahalin sya ng bonggga! (Paano, yun lagi ang hiling nya magka jowa na! hahaha)

Pero pwede ba wag muna????? hahaha gusto ko pa kasi sya makasama sa marami pang gala (yun talaga? hahaha!!!! at saka lagi nya kasi ako nililibre—nahihiya na nga rin ako 😦 ) Gusto muna kita hiramin sa FOREVER mo—-ma traffic muna sya. Joke! Pero syempre pag dumating eh di ok. Para mas masaya ka na 🙂

Sana makasama ko pa sya sa marami pang lakad 🙂 🙂 🙂

Please OBSERVE SILENCE

Ang ingay na ng mundo ngayon.

Iba’t-ibang tinig ang maririnig—saya, lungkot, tagumpay, pagkabigo

Kaliwa. Kanan.

Bawat isa ay may kwento

Pero walang nakikinig

Lahat ay gusto magsalita

Opinyon ko, opinyon mo

Walang nagbibigay

Walang nagpaparaya

Lahat gusto makisali, makigulo

Opinyon mo, opinyon ko

Tila ba bahala ka na kung saan ka patungo

Hindi naririnig

Ang tunay na mensahe

Bakit hindi mo hayaang manatili at huminto sandali

Payapain ang sarili

Makipaglaro sa katahimikan

Damhin kahit saglit ang kapayapaan ng mundo

Sa kabila ng hilahil at pagod na isip

Katawang bata sa maghapong gawa

Piliin mo saglit ang katahimikan

Payapain ang kaluluwa

Muling damhin ang enerhiya

Mula sa katahimikan

 

 

 

 

 

 

 

 

#SiPagIbig

Nagsimula ang lahat sa isang simpleng hi at hello. Lumalim ang lahat nang magtagpo ang ating mga isip kahit na malayo man pero may bagay pa rin na nag-uugnay  sa atin. Salamat talaga sa CHAT at sa TEXT buti na lang din talaga at pareho tayo ng NETWORK hahahaha!!! Lumipas ang mga araw nakaramdam ako ng kakaibang saya sa tuwing kausap ka, komportable ako na kapalitan kita ng aking mga ideya. Ang paminsang-minsan na kumustahan nauwi na sa madalas na kwentuhan—oo aaminin ko kinikilig ako sa tuwing ka-text ka.

Hanggang sa palagay ko ay nagugustuhan na kita, hindi man kita nakikita pero sa tuwing magkausap tayo sa text at sa chat, nabubuo talaga ang araw ko. Ibang saya at kilig lagi ang nadarama ko. Lalo na sa mga pagkakataon na hinihingian mo ako ng kung ano man ang aking ideya tungkol sa isang bagay. Di naman ako umaasa na meron ka rin pagtingin sa akin (mahirap mag-assume) pero yun feeling na pinagkakatiwalaan mo ako (grabe kilig talaga hahaha)

Hindi ko na maipaliwanag ang nadarama ko gusto kita laging kausap, kulang ang araw o ang linggo ko kapag hindi ka nagpaparamdam. Naiinis ako kapag hindi mo ako napapansin. Hindi lang yata kita gusto inlab na ta talaga ako sa yo.

Nasasaktan talaga ako kapag naiisip ko na may ibang nagpapasaya sayo. Dumating ang araw na bilang na lang ang pagtetext mo sa akin, ang pag-chat mo sa akin, hindi na tulad nang dati parang load lang, REGULAR at UNLIMITED. Minsan naiisip ko na I LOVE YOU na lang ang kulang na sabihin natin sa isa’t-isa (ang assuming ko naman). Paano naman kasi, nagpapalitan tayo ng “Goodmorning” at “Goodnight” minsan muntik na ako magkamali at dugtungan ng I LOVE YOU hahaha. Iniisip talaga kita lagi. Kinikilig talaga ako kapag tinetext mo ako na hindi na makatulog, at sa tuwing nagkwekwento ka tungkol sa sarili mo, sa ginagawa mo pati ang paborito mong teleserye. Ako naman tuwang tuwa na binabasa ang mga text mo. Kung personal tayo magkausap, makikinig lang ako sa yo. Ikinatuwa ko rin nang lubos ang pagsasabi mo sa akin ng mga kalokohan at kakulitan mo pati mga SECRETS mo (may pang block-mail pala ako sa yo haha) Siguro kaya nahulog ang loob ko sa yo kasi napaka natural lang, at siguro gusto ko yun feeling na naging komportable ka sa akin at ganun din ako sa yo.

Kaya lang, isang gabi, nagsabi ka sa akin na nag-away kayo ng CRUSH mo. Bago yun, may mga nabasa na ako na meron kang hinihintay at ramdam ko hindi ako yun (ouch! ang sakit grabe) Ayun na nga, nagsabi ka na nag-away kayo at umiyak ka nang matindi. (Ako naman nasasaktan, dahil umiyak ka) Loko yun ah, gusto nga na lagi kang masaya tapos paiiyakin ka lang, pero sabi mo nga hindi mo hinayaan na matapos ang gabi na hindi kayo nagkaka-ayos (ayyyy…….napaka-gentleman mo naman)

Ngayon bigla na lang din nagbago ang lahat, hindi na REGULAR at UNLIMITED ang lahat tulad nang dati. Pero hindi mo pa rin naman ako nakakalimutan (yun lang sapat na ) Ikaw pa rin naman ang nauuna na bumati sa akin (uyyy..kilig na naman ako) nahihiya kasi ako mauna mag-aaproach pero kung alam mo lang, gustong-gusto kita lagi kausap sa TEXT at CHAT, hindi ko nga lang din alam kung ganun din sa personal.

Tinaman na ata ako sa yo, ok lang kahit wala ka nararamdaman para sa akin, sapat na ang FRIENDZONED, naramdaman ko naman na espesyal ako kasi pinagkakatiwalaan mo ako sa mga maliliit na detalye sa buhay mo 🙂 uy di mo pa nabibigay yun key chain sa akin (para may remembrance ako 🙂

AKO

Kung ako’y mangguguhit

Lagi kong iguguhit

ang maganda mong mukha

Kung ako’y isang mang-aawit

Aalayan kita ng aking tinig

Kung ako’y manunula

Bawat titik ay laan

Kalakip ng aking pagsinta

Kung ako’y mananayaw

Nais kong sa bawat pag-indak

Madama mo ang saya ng puso

Sa tuwing ika’y nasisilayan

Kung ako’y umiibig

Ika’y laging laman ng puso at isip

Laman ng gunita

at laging panaginip

Sa yo’y alay ang BAWAT AKO

Dahil ang BAWAT AKO ay IKAW

#BerZoeSaKalye

Nag=iisa

Oo sa palagay ko ito ang aking magiging kapalaran

Hindi naman ako naghahanap ng pagmamahal o affection mula sa opposite sex

Pero yun simpleng pagmamahal mula sa pamilya

Yun ang kailangan ko

Ganito na siguro magpapatuloy ang buhay

Nakakapagod

Gusto ko nang hanapin ang liwanag

Doon may kapahingahan

Akong mararamdaman

Maglalakbay sa ulap

Sa hangin

Kasama ng mga ibon na may kalayaang lumipad

Malapit na siguro ang pamamaalam

Siguro hanggang dito na lang

Hanggang sa huling pasasalamat.

Selfish bone

Napapagod na ako. 

Nakakapagod pala maging matapang at manatili malakas.

Nahihirapan na ang puso ko. Hindi ko alam kung saan ako papatungo. 

Minsan lang ako nagkamali pero parang ang laki at ang bigat na ng naging kasalanan ko. 

Masyado kasi naging matabil ang dila ko

Masyado kasi ako nagpadala sa bugso ng damdamin ko

Kumawala lahat ng bigat at sama ng loob

Hindi ko naisip kung ano ang mga bagay na pwedeng mangyari

Kaya lang, tapos na ang lahat. Nasabi na ang mga bagay na dapat sabihin.

Lumaya ang isip ko pero nakulong naman ang puso ko.

Ang sakit—–dinudurog ang puso ko.

Nilalamon ng dilim ang isip ko. Gusto ko tumakbo papalayo.

Gusto ko tapusin ang lahat. 

Nais ko sundan ang tinig. Ngunit may mga bagay na pumipigil. 

Hindi ko sila kayang iwan—-nang wala man lang ako naibibigay na yaman.

Nagdurugo ang puso ko—-wala akong pagsidlan ng sobrang kalungkutan. 

Ama, nasaan ka man ngayon, aliwin sana ang puso ko namimighati.

Kung hindi man ipagkaloob—hayaan mong lunurin ako ng lungkot at hapis.

Hindi ko kayang sila’y makitang nahihirapan—-pinilit ko naman gawin ang alam kong tama. 

Subalit naging kabaligtaran ang lahat. Hindi nila ako maunawaan o baka ako nga siguro ang di nakaka-unawa.

Ako’y bigkis ng dalamhati. Hindi ko alam kung saan ko ito ilalagi.

Baka sa paghabol ng liwanag makita ko ang sagot—baka sakaling mapawi nito ang lahat.

Walang ibang naka-aalam. Ikaw at Ako lang.