Selfish bone

Napapagod na ako. 

Nakakapagod pala maging matapang at manatili malakas.

Nahihirapan na ang puso ko. Hindi ko alam kung saan ako papatungo. 

Minsan lang ako nagkamali pero parang ang laki at ang bigat na ng naging kasalanan ko. 

Masyado kasi naging matabil ang dila ko

Masyado kasi ako nagpadala sa bugso ng damdamin ko

Kumawala lahat ng bigat at sama ng loob

Hindi ko naisip kung ano ang mga bagay na pwedeng mangyari

Kaya lang, tapos na ang lahat. Nasabi na ang mga bagay na dapat sabihin.

Lumaya ang isip ko pero nakulong naman ang puso ko.

Ang sakit—–dinudurog ang puso ko.

Nilalamon ng dilim ang isip ko. Gusto ko tumakbo papalayo.

Gusto ko tapusin ang lahat. 

Nais ko sundan ang tinig. Ngunit may mga bagay na pumipigil. 

Hindi ko sila kayang iwan—-nang wala man lang ako naibibigay na yaman.

Nagdurugo ang puso ko—-wala akong pagsidlan ng sobrang kalungkutan. 

Ama, nasaan ka man ngayon, aliwin sana ang puso ko namimighati.

Kung hindi man ipagkaloob—hayaan mong lunurin ako ng lungkot at hapis.

Hindi ko kayang sila’y makitang nahihirapan—-pinilit ko naman gawin ang alam kong tama. 

Subalit naging kabaligtaran ang lahat. Hindi nila ako maunawaan o baka ako nga siguro ang di nakaka-unawa.

Ako’y bigkis ng dalamhati. Hindi ko alam kung saan ko ito ilalagi.

Baka sa paghabol ng liwanag makita ko ang sagot—baka sakaling mapawi nito ang lahat.

Walang ibang naka-aalam. Ikaw at Ako lang. 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s